Just my luck
June 2, 2008Its been a while since I updated my blog, super dami na kasi nangyari sa akin the past few days haysss pangalawa or pangatlong week ko na ng kamalasan. Bad dates, lost phone, officemate’s gf haysss wala na ako magawa kundi magbuntong hininga na lang ( as in yun lang ). As in malas talaga thinking of what happened the past few days were so unbelievable ( super andaming nangyari sobra), Sa dami-dami ng tao sa mundo sa akin pa binuhos lahat ng klaseng kamalasan.
To start, yung gf ng officemate ko na super nagalit dahil inaangkin ko bf nya ( pinakulam ata ako nun kaya nagkaleche-leche buhay ko eh tinigilan ko na nga bf nya para matapos na ang lahat ). Ayun I even delete my officemates msn ID in my friend list and di ko na sya masyado kinakausap para wala na lang gulo. Next is yung date ko with an old friend. Date went well pero after the date wala lang feel ko tuloy nagsayang lang ako oras at pera nung time na yun. Naramdaman ko na naman na pangkama lang talaga ako, As in not a partner material guy. Ilang araw din ako nadepress dahil dun. Di na kami masyado nag-uusap nung dinate ko busy ata sa newly installed DSL nila sa bahay.
What’s next? Ayun nanakaw yung phone ko 1 month pa lang sya sakin, it’s an Nseries model ( N81 ) yun lang naman bunga ng dugo’t pawis na ginugol ko sa work ko ngayon nawala ng parang bula ( sana lang isinama na yung charger tuloy may nagreremind sakin na ninakaw phone ko ) Oo nga pala dinampot yung phone ko dun sa bintana ng room ko, iniwan pa ng magnanakaw na bukas yung bintana ( bastos talaga di mana lang sinara ). Ayoko na talaga dun sa lugar namin, bukod sa maiingay, magnanakaw na at manloloko pa.
Nakipagmeet up ako bago nanakaw phone ko, haysss ampanget nung guy kala ko gwapo. Sa pics nya kasi cute sya yun pala super angle at photoshop yung ginawa nya. And isa pa wala naman sya car and bank account which is a better attribute for me ng isang guy. At least di ako lugi kapag nagdate kami not like yung last date ko na ako lahat ng shoulder ng expenses. Nakasalubong ko pa yung ex ko kahapon. Di ko nga siya pinansin eh, di ko alam kung bitter ako pero kasi ayoko lang talaga sya pansinin baka kasi magtaka yung family ko.
Ayun medyo dami na nangyayari dito sa office na di na tama, I’m getting worried sa mga office friends ko. Ayoko ng ganito,
As of the moment gusto ko umiyak, as in todo tears talaga kaso di pwede eh. Wala lang para mailabas ko lang lahat ng sama ng loob and lahat ng sakit na nararamdaman ko dito sa puso ko. I’m hoping na maging ok na ang mga sumusunod na araw para sakin. I’m praying na swertehin naman ako kahit papano sa mga events na mangyayari sa buhay ko. Medyo pagod na kasi ako sa mga trials na nangyayari sakin eh unti na lang di ko na kakayanin. Sige hanggang dito na lang muna. Love you blog kahit papano thankful ako nandyan ka may pinagsasabihan ako ng mga problema ko.


